dzme1530.ph

DOE, SINISIKAP PALAWAKIN ANG ELECTRIC VEHICLE CHARGING STATIONS

Loading

Patuloy ang pagsisikap ng Department of Energy na mapabilis ang pagpapalawak ng electric vehicle charging infrastructure sa buong bansa.

 

Gayunman, nilinaw ng DOE na ang pagdaragdag ng mga EV charging stations ay nakadepende sa partisipasyon ng pribadong sektor.

 

Sa pagdinig sa Senado, inilahad ng DOE officials ang mga hakbangin para sa pagpapatupad ng Electric Vehicle Industry Development Act o EVIDA.

 

Nakikipag-ugnayan na anila ang DOE sa mga stakeholders upang madaliin ang installation ng EV charging stations sa mga key locations partikular sa mga shopping malls at pagamutan.

 

Nakikipag-usap din ang DOE sa mga distribution utilities upang i-integrate ang charging infrastructure sa kanilang development plans.

 

Kinumpirma rin ng DOE na patuloy ang panghihimok nila sa mga gasoline station operators na maglagay na rin ng charging facilities.

 

Hinihikayat din ng DOE ang iba’t ibang government institutions na gumamit na ng electric vehicles at isama ang charging facilities bilang bahagi ng kanilang long-term sustainability goals.

About The Author