dzme1530.ph

DOE, PINAKIKILOS LABAN SA PROFITEERING SA PRODUKTONG PETROLYO 

Loading

PINAKIKILOS ni Senador Sherwin Gatchalian ang Department of Energy (DOE) para higpitan ang pagbabantay sa mga retailer at oil companies laban sa posibleng profiteering o pananamantala sa presyo ng produktong petrolyo sa gitna ng tinatawag niyang “energy crisis” na dulot ng tensyon sa Middle East.

Una nang sinabi ni Energy Director Rino Abad na walang kontrol ang pamahalaan sa pagpepresyo ng mga produktong petrolyo dahil sa oil deregulation law.

Ngunit hindi kumbinsido dito si Gatchalian lalo na’t naaabuso ang mga konsyumer.

Nauna nang sinabi ng DOE na may imbentaryo ang mga oil company na tumatagal ng humigit-kumulang 50 araw, kaya hindi dapat agad-agad magtaas ng pump prices ang mga ito.

Batay sa datos mula sa tanggapan ni Gatchalian, mula Enero hanggang Marso 4 ay tumaas ng 13.7% ang presyo ng gasoline sa P62 mula P55 kada litro.

Nakapagtala naman ang diesel ng pagtaas na 41.4% sa P76 mula P54 kada litro,  habang ang kerosene ay tumaas ng 43% sa mula P79 hanggang P114 kada litro

About The Author