dzme1530.ph

DOE, NAGPATAWAG NG EMERGENCY MEETING DAHIL SA INAASAHANG PAGTAAS NG PRESYO NG LANGIS BUNSOD NG PAGSASARA NG STRAIT OF HORMUZ

Loading

Asahan ang pagtaas ng presyo ng langis matapos ipagbawal ng revolutionary guard ng Iran ang lahat ng marine transport sa Strait of Hormuz, kasunod ng pag-atake ng US at Israel.

 

Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin, na pinaka-crucial ang supply ng langis na ayaw nating kulangin at mawalan tayo.

 

Nagpatawag si Garin ng emergency meeting sa mga oil company ngayong Lunes para talakayin ang mga hakbang upang matiyak ang oil supply habang nagpapatuloy ang tensyon sa Middle East.

 

Idinagdag ng kalihim na kailangang magtulong ang gobyerno at ang pribadong sektor para itaas ang fuel stockpiles nang lagpas sa minimum inventory requirements ng Department of Energy para sa krudo at finished product.

About The Author