Binigyang-diin ni Sen. Chiz Escudero na resulta ng hindi epektibong pagganap sa tungkulin ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) ang sunud-sunod na pagtaas ng singil sa kuryente.
Ito ay matapos i-anunsyo ng Meralco na muling tataas ang electricity rates sa May billing period kung saan ay P0.4621 per kilowatt hour ang itataas kaya aabot na sa P11.4139 ang overall rate per kilowatt hour ngayong buwan ng Mayo.
Sinabi ni Escudero na wala sa Energy Plan, sa Medium Term Plan at kahit sa panukalang amendments sa EPIRA law ang anumang pagsusumikap na maibaba ang singil sa kuryente.
Tinukoy ng senador ang iba pang mga sanhi ng pagtaas ng singil sa kuryente sa bansa.
Binaggit ng senador ang manipis na power supply na dulot ng mabagal na pagproseso ng mga aplikasyon para sa bagong power plant, kawalan ng legal at marketing incentives para sa mga bagong capacity, mababang supply sa panahong mataas ang demand na nagbubunga ng mataas na power rate
Tumataas din aniya ang singil sa kuryente dahil sa pagpopokus sa iba’t ibang renewable energy tulad solar, wind, at natural gas kung saan mas mataas ng 100 hanggang 200 percent ang renewable energy kumpara sa coal.
Nilinaw ni Escudero na hindi siya pro-coal at hindi rin anti-green pero siya ay pro-cheaper power rates.
Idinagdag pa ng senador ang kawalan o kakulangan ng advance regulatory regime para sa power at kawalan ng expertise ng gobyerno sa pag supervise at pagregulate sa lahat ng player sa power industry ay nagbubunga din ng pagtaas sa singil sa kuryente