dzme1530.ph

DND, batas para sa Fixed Term sa AFP, ikinadismaya

Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Secretary Carlito Galvez Jr. ang sinasabing unrest o pagtatampo at reklamo ng ilang kawani ng Armed Forces of the Philippines sa gitna ng implementasyon ng batas para sa fixed term sa AFP Officials.

Sa pagdinig sa panukalang pag-amyenda sa Republic Act 11709 na nagtatakda ng tatlong taong fixed term sa mga opisyal ng AFP, sinabi ni Galvez na marami sa mga sundalo ang nagpahayag ng pangamba na maantala ang kanilang promosyon.

Ayon kay Galvez, kung hindi mababago ang batas ay tiyak na maaapektuhan ang morale ng mga sundalo.

Ipinaliwanag ni Galvez na magdudulot ito ng uneasiness at demotivation sa mga sundalo dahil sa pagkaantala ng pag-angat ng kanilang ranggo.

Kinumpirma ni DND Assistant Secretary, Chief of the Legal and Legislative Affairs Atty. Eric Dy, nasa labing-apat na Military officers ang apektado ng batas na kinabibilangan ng labing tatlong three-star General at isang four-star General.

Sa pagpapatupad din ng nasabing batas, nasa dalawang commissioned years ang mababalewala sa bawat posisyon.

Kasabay nito, binigyang-diin pa ni Galvez na kontra ang batas sa itinatakda ng Military Ethics Commission na ang criteria sa promotion ay dapat walang diskriminasyon sa anumang grupo.

About The Author