dzme1530.ph

DNA samples mula sa crime scene, nag-match sa apat na suspek sa Degamo slay

Nag-match ang DNA samples na nakuha mula sa lugar kung saan pinaslang si Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4, sa apat na suspek sa krimen.

Ayon kay Atty. Levito Baligod, abogado ng pamilya Degamo, ang samples ay nag-match kina Eulogia Gonyon Jr., Winrich Isturis, Osmundo Rivero, at Rogelio Antipolo Jr.

Sinabi ni Baligod na kumuha ang mga imbestigador ng specimen mula sa mga sasakyan na ginamit ng mga salarin at mula sa mga bahid ng dugo na naiwan sa compound ni Governor Degamo.

Inihayag ng abogado na naisumite na ng National Bureau of Investigation ang DNA analysis bilang ebidensya.

Idinagdag ni Baligod na kahit pa mag-recant o bawiin ng mga suspek ang kanilang mga testimonya ay tiwala pa rin sila na mailalaban nila ang kaso. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author