dzme1530.ph

DMW, tumanggap ng mahigit 100 reklamo mula sa seasonal workers sa South Korea

Tumanggap ang Department of Migrant Workers (DMW) ng nasa 150 reklamo mula sa mga Pilipino na employed sa ilalim ng seasonal workers program sa South Korea simula noong 2022.

Sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac, na as of Dec. 2023, mayroong 3,353 Filipino seasonal workers sa South Korea.

Nagsimula aniya ang deployment ng mga Pinoy noong 2022 sa ilalim ng programa kung saan pinapayagan ang short-term employment ng foreign agricultural workers upang matugunan ang malalang labor shortages tuwing peak planting at harvesting season sa naturang bansa.

Inihayag ni Cacdac na kabilang sa mga reklamo ng mga Pinoy ay labis na demand sa trabaho, kaltas sa suweldo, at sobrang paniningil ng brokers sa Korea at Pilipinas.

Nakapagtala rin ng limang kaso ng physical abuse, limang medical cases at apat na natural deaths ng mga Pinoy sa South Korea sa loob ng dalawang taon.

About The Author