dzme1530.ph

DMW, tiniyak na walang paliligtasin sa imbestigasyon sa ₱1.4-B land deal na pinasok ng OWWA

Loading

Tiniyak ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na walang paliligtasin sa isinasagawang imbestigasyon sa 1.4-billion peso land deal na pinasok ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), sa pagsasabing usapin ito ng accountability at public trust.

Sinabi ni Cacdac na sisiyasatin nila hanggang sa kailaliman, pati na ang lawak nito upang matukoy ang lahat ng responsable sa partikular na transaksyon.

Aniya, binubusisi ng DMW ang umano’y procedural lapses at kawalan ng proper authorization sa pagbili ng lupa, malapit sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 sa Parañaque City, para sa halfway house project na inilaan sa Overseas Filipino Workers sa ilalim ni dating OWWA Administrator Arnell Ignacio.

Idinagdag ng kalihim na posibleng nagkaroon ng multiple violations nang bilhin ang lupa, kung saan nabigo aniya na ma-secure ang approval ng OWWA Board of Trustees.

About The Author