dzme1530.ph

DMW, tatapusin na ang imbestigasyon sa ₱1.4-B land deal na pinasok ni dating OWWA Administrator Arnell Ignacio

Loading

Tatapusin na ng Department of Migrant Workers ang kanilang imbestigasyon sa sinibak na Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator na si Arnell Ignacio.

Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, sa pagtatapos ng kanilang imbestigasyon ay siya namang pagsasampa ng mga kaukulang kaso sa appropriate government agencies.

Sinabi ni Cacdac na madali na para sa kanila ang pag-iimbestiga matapos sibakin si Ignacio noong nakaraang linggo, dahil nabigyan sila ng access sa mga dokumento at legal na nakapag-interview sa staff ng OWWA.

Inihayag ng DMW chief na nilabag ng sinibak na Administrador ang anim hanggang pitong OWWA provisions matapos selyuhan ang ₱1.4 B na land acquisition deal nang walang pahintulot ng Board of Trustees ng OWWA.

About The Author