dzme1530.ph

DMW, nakikipag-ugnayan sa Japan Authorities para sa update ng 4.8 magnitude na lindol sa Noto, Japan

Nanatiling nakikipag ugnayan pa ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamamagitan ng Migrant Workers Office (MWO) sa Osaka, Japan kaugnay sa update sa naganap na lindol na tumama sa Noto, Japan kaninang umaga.

Sa initial na ulat mula sa MWO- Osaka walang Pilipinong naitalang nasugatan sa lindol na yumanig sa Noto Peninsula kaninang umaga.

Base sa report ng Japan Meteorological Agency (JMA) ang 4.8 magnitude na lindol, ay naganap 6:40 AM Japan local time, habang 5:40 AM sa Manila.

Ang Noto Peninsula ay matatagpuan sa hilagang bahagi ng Ishikawa Prefecture sa Honshu, pangunahing isla ng Japan.

Mahigpit na nakikipagtulungan ang MWO-Osaka sa mga Filipino Community at Japan authorities upang tiyakin ang kaligtasan ng ating mga OFWs sa rehiyon.

About The Author