dzme1530.ph

DMW, nakapagpasara na ng 11 illegal recruitment offices ngayong taon

Nakapagpasara na ang Dep’t of Migrant Workers ng 11 illegal recruitment offices ngayong 2024.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Pre-SONA Special Briefing, inihayag ni DMW sec. Hans Leo Cacdac na mas mataas ito sa pitong naipasara sa buong 2023, na nagpapakita ng dinobleng aksyon laban sa illegal recruiters.

Ibinida rin ng kalihim ang pananatili ng Pilipinas sa tier one category ng US State Dep’t Anti-Human Trafficking report.

Sa kabila nito, naniniwala si Cacdac na mayroon pa ring mga manloloko kaya’t ipinagpapatuloy ang pagbibigay ng edukasyon sa publiko para maging matalino, at pinayuhan silang tiyaking lisensyado ang recruitment agency.

Pinaiiwas din ang mga Pilipino sa recruitment online dahil isa ito sa mga kadalasang ginagamit ng illegal recruiters, kasabay ng paalala na ang isang lehitimong recruitment agency ay dapat mayroong sariling opisina.

About The Author