dzme1530.ph

DMW nagpaalala sa mga Pilipino na huwag mahulog sa pangako ng sindikato sa social media

Loading

Pinagiingat ng Department of Migrant Workers ang mga Pilipino na wag mahulog sa mga pangako ng sindikato para mapadali ang kanilang pagpunta sa ibang bansa para magtabaho.

Ang panawagan ni DMW Usec. Bernard Olalia kasabay ng pagdating ng 30 Pilipino sa NAIA Terminal 1 na pawang mga biktima ng human trafficking na nailigtas ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno katuwang ang Myanmar authority.

Ayon kay Olalia ang mga biktimang Pinoy ay pinagtatrabaho ng isang sindikato sa isang scam hub sa Myanmar.

Sa panayam sa isa sa mga biktima, mahirap ang kanilang pinagdadaanan, pinangakuan sila ng mataas na sahod subalit pagdating sa ibang bansa ay hindi naman natupad.

Ang hindi umano makaabot ng quota ay ibibilad sa araw at wala din umanong morning break kung saan 17-oras silang pinagtatrabaho.

Nagpapanggap umano silang mga rich guy o rich women para manghikayat sa kanilang mabibiktima na mag invest sa pamamagitan ng kanilang platform.

Samantala kinumpirma naman ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na may 176 Pilipino pa na mga biktima ng human trafficking ang nakatakdang magbalik bansa.

About The Author