dzme1530.ph

DMW, magpapatupad ng one-strike policy laban sa mga pasaway na recruitment agencies

Inanunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na magpapatupad ito ng one-strike policy laban sa mga recruitment agency ng land-based overseas Filipino workers na lumalabag sa mga panuntunan ng ahensya.

Sa press conference, sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na dati kasi ay mayroon pang three-strike policy laban sa mga pasaway na recruitment agencies subalit ngayon ay wala na.

Aniya, madaling palusutan ang first offense hanggang third offense sa pamamagitan ng pagtatago sa dami ng mga papel at proseso.

Ipinaliwanag ni Ople na mayroong 20 specific offenses na ang kaparusahan ay kanselasyon ng lisensya.

Kabilang sa serious offenses ay pagkakasangkot sa korapsyon, illegal recrutment, at trafficking in person. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author