dzme1530.ph

DMW, humingi ng panalangin sa 4 na nawawalang OFW kasunod ng 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar

Loading

Patuloy na minomonitor ng Department of Migrant Workers ang sitwasyon ng mga OFW sa Myanmar at Thailand na apektado ng 7.7 magnitude na lindol, na sinundan pa ng 6.4 na aftershock.

Sinabi ni DMW sec. Hans Leo Cacdac na nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Myanmar at Thailand upang mapalawig ang tulong sa mga apektadong OFW.

Humihingi din ng panalangin ang DMW para sa apat na OFW na patuloy na nawawala sa Mandalay, Myanmar na tinukoy bilang episentro ng naturang lindol.

Kasama sa nawawalang mga Pilipino ang mag -asawang OFW.

Hiniling ni Cacdac na huwag ibunyag ang pagkakakilanlan ng nawawalang mga OFW dahil ang gobyerno ng Pilipinas ay nasa proseso pa rin na ipaalam sa kanilang mga kamag-anak ang sitwasyon ng mga ito.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations, kasama ang mga awtoridad na nagpahayag ng pag -asa para sa kanilang kaligtasan.

About The Author