dzme1530.ph

DMW, HUMIHIRIT NG KARAGDAGANG PONDO BILANG PAGHAHANDA SAKALING LUMALA ANG KRISIS SA MIDDLE EAST

Loading

Kabuuang 3.5 billion pesos ang inilalaan para tulungan ang overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

 

Sa Kapihan sa Manila Hotel forum, sinabi ni DMW Undersecretary Bernard Olalia na ang naturang halaga ay kinabibilangan ng 2 billion pesos sa ilalim ng kanilang Action Fund at 1.5 billion pesos na nasa ilalim ng kanilang Emergency Repatriation Fund (ERF).

 

Gayunman, inihayag ni Olalia na Marso pa lamang at mayroon pang second, third, at fourth quarter, at hindi biro ang gastos sa repatriation na kanilang pinaghahandaan.

 

Ayon sa DMW official, sa ngayon ay sapat pa ang pondo subalit nag-request na sila ng karagdagang pondo mula sa Department of Budget and Management (DBM), sakaling tumagal o lumala pa ang krisis sa Middle East.

About The Author