![]()
Siniguro ng DMW at OWWA sa mga kongresista na may sapat na pondo ang pamahalaan para sa anumang tulong o alalay, kabilang ang repatriation operations ng mga OFWs sa Middle East.
Sa hearing na ipinag-utos ni House Majority Floor Leader Sandro Marcos, sinabi ni DMW Sec. Hans Leo Cacdac na may naka-ready nang P200-M, at may inaasahan pa sila mula sa DBM na P800-M.
May pondo na umanong na-download sa iba’t ibang posts sa Middle East, at may naka-handa pang P200-M para i-replenish ang nagamit na pera.
Sa panig ng OWWA, intact at available pa umano ang malaking bahagi ng Emergency Repatriation Funds (ERF) na para sa ‘large-scale evacuation’ kung kakailanganin.
Inamin din ni OWWA Administrator Patricia Yvonne Caunan ang close coordination nila sa DBM sakaling mangailangan ng karagdagang pondo.
Saad pa ni Caunan, sa ngayon 18% pa lang ang utilization ng ERF, subalit kapag umabot na ito sa 30% mark, agad nilang aabisuhan ang DBM.
Samantala, sinimulan na ngayon ang plenary deliberations sa panukalang bigyan ng emergency powers si PBBM para isuspindi o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
