Lusot na sa committee level ang consolidated bill na nagpapalawak sa batayan ng dissolution of marriage.
Nakapaloob sa Senate Bill 2443 kung saan nakapaloob ang probisyon na pinapahintulutan ang absolute divorce sa bansa.
Ang committee report ay inilabas ng Senate committee on women, children, family relation and gender equality na iniakda nina Senator Risa Hontiveros, Raffy Tulfo, Robin Padilla, Pia Cayetano, at Imee Marcos.
Bukod sa limang author, lumagda sa committee report sina Senators JV Ejercito, Grace Poe, Koko Pimentel III at Senate President Pro Tempore Loren Legarda.
Nakapaloob sa panukala na dapat tiyakin ng estado na ang magiging court proceedings sa pagkakaloob ng diborsyo ay abot kaya, mabilis at hindi magastos lalo na sa mga indigent litigants.
Ang absolute divorce sa ilalim ng panukala ay tumutukoy sa legal termination ng korte sa kasal sa pamamagitan ng legal proceedings.
Nakasaad sa panukala na isa sa mag-asawa o ang mag-asawa ang maaaring maghain ng petisyon para sa diborsyo na ang magiging epekto nito ay babalik ang baway party sa status ng pagiging single.
Sa ilalim ng panukala, kabilang sa maaring ground o batayan para sa absolute divorce ay kinabibilangan ng kung limang taon ng hiwalay; kung may ginawang krimen na pang re rape ang respondent-spouse laban sa petitioner-spouse bago o pagkatapos ng selebrasyon ng kanilang kasal; kung hindi na talaga maaayos relasyon ng mag asawa o hindi na maisasalba ang pagsasama sa kabila ng pagsusumikap na magkasundo na idaraan sa 60 araw na cooling off period sa ilalim ng panukala, ang joint petition na inihain ng mag-asawa na may anak ay dapat may kasamang joint plan para sa parenthood na magtatakda ng suporta, custody at living arrements para sa kanilang mga anak. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News