![]()
Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Dita Angara-Mathay bilang kalihim ng Department of Tourism.
Ayon sa Presidential Communications Office, si Angara-Mathay ay isang seasoned public servant na may karanasan sa trade, investment at international economic engagement.
Sinabi ng PCO na ang pagtatalaga kay Angara-Mathay sa DOT ay naglalayong mapalakas ang turismo sa bansa sa pamamagitan ng paghikayat ng karagdagang investments, pagsuporta sa mga lokal na industriya at pagtiyak na madarama sa lahat ng rehiyon ang pag-unlad.
Pinalitan ni Angara-Mathay si dating tourism secretary Christina Frasco na itinalaga bilang presidential adviser for sustainable and resilient communities.
Bago ang pagtatalaga sa DOT, si Angara-Mathay ay commercial counselor sa Philippine Trade and Investment Center sa Tokyo.
