Plano ni Sen. Panfilo Lacson na isulong ang pagbusisi sa tinatawag niyang kwestyonableng distribusyon ng national budget ngayong taon, gayundin noong 2023 at 2024.
Ito ay matapos matuklasan ng senador ang umano’y bilyong pisong pork barrel funds na napunta sa ilang senador at kongresista.
Giit ni Lacson, kumikita ang gobyerno ng ₱12 bilyon kada araw ngunit gumagastos ng ₱16 bilyon, dahilan upang umutang ng ₱4 bilyon araw-araw.
Kung hindi raw maaayos ang paggastos, posibleng umabot sa ̈́₱10 bilyon kada araw ang utang ng bansa sa susunod na limang taon.
Ayon sa datos ni Lacson, may senador na umano’y tumanggap ng ₱5 bilyon hanggang ₱10 bilyon, habang may kongresista namang umabot sa ₱15 bilyong pork barrel.
Pinuna rin ng senador ang umano’y hindi makatwirang alokasyon ng pondo sa ilang flood control projects, gaya ng isang maliit na barangay na nabigyan ng ₱1.9 bilyon, at isang lugar na may 10,000 katao lang pero nakatanggap ng ₱10 bilyon.