dzme1530.ph

Distressed motorbanca na may lulan ng 14 na tripulante nasagip ng PCG sa katubigan sakop ng Panglao Bohol

Loading

Iniulat ng PCG na matagumpay na nasagip ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) Balicasag, ang isang distressed motorbanca na MBCA Ayoshi Kim Rin 8 habang sakay nito ang 14 na individual sa kalapit na karagatan sa pagitan ng Balicasag Island at Panglao, Bohol, noong Lunes.

Ayon sa PCG (CGSS) Balicasag nakatanggap sila ng impormasyon hingil sa bangkang tumaob, kaya’t agad silang tumuloy sa nasabing lokasyon, sa kabila ng masang panahon.

Matapos marating ang lugar, dito nila nakita ang mga tripulante na nakapatong sa tumaob na motorbanca.

Ligtas namang na rescue ang labing (12) pasahero, isang boat captain, at isang crew member, at agad itong inilipat sa dalawang motorbanca na MBCA Nika at Niah Naj.

Saka hinila ang na-distress na bangka patungo sa baybayin ng Panglao, at nagbigay rin ng kinakailangang tulong sa mga biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PCG, nagkaroon ng malfunction at huminto ang MBCA Ayoshi Kim Rin 8 nang makasagupa nito ang malalaking alon at malakas na hangin na nagdulot ng pinsala, kaya’t nawalan itonng kontrol habang patungo sa karagatan ng Panglao.

Dagdag pa ng PCG, nasa maayos na pisikal na kondisyo ang lahat ng sakay na indibiduwal, at na-iturn-over na rin ito sa Municipal Environment and Natural Resources Offices (MENRO) Panglao para sa karagdagang tulong.

About The Author