Papakinggan na ng Commission on Election (COMELEC) ang petisyon para i-disqualify ang Smartmatic sa procurement ng mga vote counting machine para sa 2025 Election.
Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, nais nilang dinggin ang naturang petisyon upang agad makapag palabas ng desisyon bago ang bidding ng mga bagong makina sa susunod na taon.
Ang naturang petition for disqualification laban sa Smartmatic ay inihain sa COMELEC ng grupo nina dating COMELEC Commissioner Augusto Lagman.
Base sa kanilang petisyon, dapat umano na pagbawalan ang naturang kumpanya na sumali bidding dahil sa kaduda-dudang integridad nito sa mga nagdaang halalan.
Ang naturang kaso ay inihain ng petitioners noong June 15, 2023.
Bilang bahagi ng due process ay oobligahin ng en banc ang Smartmatic na mag komento sa naturang petition at isumite ito sa COMELEC sa pamamagitan ng Clerk of the Commission bago ang pagdinig na itinakda sa susunod na linggo. –sa ulat ni Felix Laban, DZME News