dzme1530.ph

Dismissed DPWH district engineer, handang isauli ang mga nakulimbat na pondo mula sa flood control

Loading

Makikipagtulungan si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara sa imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects, kabilang na ang pagsasauli ng government funds bilang restitution.

Matapos ang meeting kasama si Alcantara kahapon, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nagpahayag ng kahandaan ang dismissed district engineer na ibalik ang mga pondong iligal na nakuha.

Hindi naman tinukoy ng kalihim kung aling bahagi ng pahayag ni Alcantara ang maaaring mag-qualify sa kanya bilang state witness.

Aniya, una pa lamang ito sa serye ng mga pagpupulong para matukoy kung maaari siyang gamitin bilang testigo ng pamahalaan.

Dagdag pa ni Remulla, kailangan nilang muling makausap si Alcantara ngayong linggo para maisapinal ang lahat.

About The Author