dzme1530.ph

Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, nais nang sumuko —Atty. David

Kinumpirma ni Atty. Stephen David na nais nang sumuko ng kanyang kliyenteng si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinabi ni David na ito ay batay sa kanilang huling pag-uusap noong nakaraang linggo bago ang pagkakaaresto kina Sheila Guo at Cassandra Li Ong.

Ginawa ni David ang pahayag sa kanyang pagdalaw sa detention center ni Sheila matapos itong iturn over na ng National Bureau of Investigation.

Nilinaw naman ng abogado na hindi niya alam ang eksaktong kinaroroonan ng sinibak na alkalde.

Samantala, kinumpirma ni David na pinayuhan niya si Sheila na makipagtulungan sa imbestigasyon at sabihin ang lahat ng kanyang nalalaman lalo na’t wala naman siyang itinatago. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author