dzme1530.ph

Diskresyon sa pagdinig ng PDEA Leaks, respetuhin

Umapela si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Bato dela Rosa na irespeto ang kaniyang pamumuno sa kumite partikular ang pagsasagawa ng pagdinig sa sinasabing PDEA Leaks.

Ito ay kasunod ng pahayag ni dating Senador Panfilo Lacson na marami nang naabalang tao ang isinasagawang imbestigasyon habang ang ilang senador ay umapelang itigil na ang hearings dahil sa pagkwestyon sa kredibilidad ni dating PDEA agent Jonathan Morales.

Nakikiusap din si dela Rosa sa kaniyang mga kasamahan sa senado na irespeto ang kaniyang discretion sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Samantala, inihayag ng senador na hinihintay na lamang niya ang pagharap ni dating Executive Secretary Jojo Ochoa at ni James Kumar at posibleng tapusin na ang hearings.

Nanindigan ni dela Rosa na para sa kaniya ay mahalaga ang imbestigasyon upang masolusyunan ang problema sa unauthorized disclosure of classified documents.

About The Author