Nagsasagawa ang New NAIA Infra Corp. (NNIC), ang operator ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ng audit sa lahat ng security bollards at redesigning ng departure passenger drop-off areas sa main gateway ng bansa.
Kasunod ito ng malagim na trahedya noong Linggo na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang indibidwal.
Ayon sa NNIC, babaguhin nila ang kasalukuyang diagonal passenger drop-off layout sa departure areas sa Terminals 1 at 2, sa mas ligtas na parallel unloading configuration, gaya sa Terminal 3.
Malalaman sa gagawing mga hakbang ang kinakailangang reinforcements, gaya ng mas malalim na pundasyon o structure upgrades sa ginagamit na bollards na inilagay noong 2019, kasama ang kaparehong protective barriers, partikular sa high foot-traffic areas.