Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na iiral pa rin ngayong Semana Santa ang discounts para sa mga estudyante, persons with disabilities, at senior citizens.
Sa isang public advisory, sinabi ng LTFRB na alinsunod ito sa Republic Act nos. 11314 at 10754.
Sa Facebook post, ipinaalala ng regulatory body ang 20% na discount sa pasahe ng mga estudyante, PWDs, at seniors, sa lahat ng mga pampublikong transportasyon.
Pinayuhan din ng LTFRB ang mga pasahero na ipakita ang kanilang School ID, Senior Citizen ID, o PWD ID para ma-avail ang discount.
Idinagdag ng ahensya na epektibo rin ang student discounts tuwing holidays, semestral break, at weekends.