dzme1530.ph

Discayas, mga dating opisyal nasa ilalim ng proteksyon sa DPWH probe; Lamborghini ni Hernandez isusuko

Loading

Binigyang-diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa press conference sa DOJ na wala pang state witness sa kaso ng umano’y anomalya sa DPWH. Ang mayroon lamang aniya ay protected witnesses.

Kabilang dito ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya, at mga dating opisyal na sina Henry Alcantara, Brice Hernandez, at Jaypee Mendoza.

Ayon kay Remulla, magsusumite ito ng liham sa Senado upang pormal na ipabatid ang estado ng mga ito bilang testigo.

Giit ng kalihim, mananatili pa rin ang mga ito na may pananagutan sa batas kahit nasa ilalim ng proteksyon ng gobyerno.

Kasabay nito, kinumpirma ng DOJ na si Hernandez ay muling magsusuko ng kanyang Lamborghini ngayong hapon sa ICI bilang bahagi ng imbestigasyon.

Giit ni Remulla, lahat ng ari-arian at perang nagmula sa iligal na gawain ay dapat maibalik sa National Treasury para mapakinabangan ng taumbayan.

About The Author