dzme1530.ph

Discaya couple, wala pang sinasabing titigil na sila sa pakikipagtulungan sa DOJ kaugnay ng imbestigasyon sa flood control anomalies –Prosecutor General

Loading

Wala pang natatanggap na kumpirmasyon ang Department of Justice (DOJ) mula sa mag-asawang contractors na sina Curlee at Sara Discaya kung titigil na rin sila sa pakikipag-cooperate sa imbestigasyon ng ahensya sa umano’y maanomalyang flood control projects.

Pahayag ito ni Prosecutor General Richard Fadullon kasunod ng pag-atras ng mag-asawa sa pagtulong sa imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Aminado si Fadullon na nabigla sila sa pag-withdraw ng mga Discaya sa ICI, subalit sa DOJ aniya ay wala pa naman silang natatanggap na pahiwatig na hindi na magpapatuloy ang mag-asawa sa pakikipag-usap sa kanila.

Binawi ng Discaya couple ang kanilang kooperasyon nang mapanood ang media interview ni ICI Commissioner Rogelio Singson, kung saan sinabi nito na wala pang kahit isa na kwalipikadong maging state witness.

About The Author