Iginiit ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na maipasok ang disaster risk reduction training sa panukalang mandatory ROTC para sa mga estudyante.
Ayon kay Legarda, papabor siya sa panukala kung hindi lang ito magiging limitado sa military training at sasaklaw din sa ibang aspeto ng climate change.
Idinagdag ng senador na dapat tularan ng Pilipinas ang ibang mga bansang may pagpapahalaga sa disaster resilience.
Sa usapin pa rin ng climate change, sinabi ni Legarda na mainam kung magbibigay ng insentibo ang gobyerno sa mga gumagamit ng electric vehicles, palalaganapin ang cycling at pararamihin ang bike lanes at gagawing mas efficient ang mass transportation.
Ipinaliwanag ng mambabatas na bagaman wala pa siyang inihaing mga amyenda sa Clean Air Act of 1999, hindi naman ibig sabihing wala nang magagawa ang mga komunidad, at dapat pangunahan ito ng mga LGU. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News