Pinatitiyak ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na maipatutupad nang maayos ang direktiba Pangulong Bongbong Marcos sa Department of Justice at sa NBI na imbestigahan at habulin ang mga sangkot sa smuggling ng sibuyas at iba pang agricultural products.
Kasabay nito, ikinalugod ng senador ang naging kautusan ng pangulo na para sa crackdown sa mga sangkot sa smuggling ng mga produktong agrikutural.
Ayon kay Pimentel, isa itong magandang hakbang ng Malacañang.
Step by step maaari anyang mabuwag ang talamak na smuggling ng agricultural products at ang unang hakbang ay ipatupad ang batas laban dito.
Ilang ulit nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Senado kaugnay sa talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural na nakakaapekto sa kabuhayan ng mga magsasaka.
Sa mga pagdinig, nagpahayag ng pagkadismaya ang mga senador dahil wala pang nakakasuhan at naipapakulong na big time smugglers. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News