dzme1530.ph

Direk Cathy Garcia, muling nagpakasal

Nagpakasal na ang film and TV director na si Cathy Garcia sa cinematographer na si Louie Sampana, sa Zambales.

Ang intimate beach wedding ay dinaluhan ng kanilang pamilya, at malalapit na kaibigan sa loob at labas ng show business.

Kabilang sa mga umattend ang celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na nakasalo ng bride’s bouquet.

Present din sina Joross Gamboa, Alden Richards, Ian Veneracion, Janus Del Prado, at Jeffrey Tam.

Si Direk Cathy ay una nang ikinasal kay Philip Molina na nasawi sa isang vehicular accident noong 2009 sa Baguio City.

Si Garcia ang direktor sa likod ng blockbuster movies na “A Very Special Love,” “You Changed My Life,” “One More Chance,” “Hello, Love, Goodbye,” “Seven Sundays,” “Four Sisters and a Wedding,” “She’s Dating the Gangster,” at marami pang iba. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author