Hinimok ni Congw. Arlene Brosas, si Pang. Ferdinand Marcos, Jr. na agad kumilos para maiuwi sa bansa si Mary Jane Veloso.
Ang panawagan ay kasunod ng alok ng Indonesian gov’t na ilipat ng kulungan sa Pilipinas si Veloso na biktima ng human trafficking.
Ayon kay Brosas breakthrough para kay Veloso ang alok ng Indonesia na makabalik sa Pilipinas matapos ang 14 na taong hindi makatarungang pagkakakulong.
Aniya, hindi kriminal si Veloso dahil biktima ito ng kahirapan at kawalan ng oportunidad sa sariling bansa, kaya panawagan ni Brosas, madaliin na ng Marcos administration ang diplomatic negotiations sa Indonesia.
Saad pa nito, kapag naibalik na si Veloso sa Pilipinas maaari na itong pagkalooban ng clemency, habang tuloy ang paghabol sa recruiters nito para mapanagot sa batas. —sa panulat ni Ed Sarto