dzme1530.ph

Diplomasya, dapat pairalin sa girian ng Iran-Israel, ayon sa isang senador

Loading

DIPLOMASYA ang dapat na pairalin sa halip na aggression o pagsalakay kasabay ng pagsasagawa ng dayalogo sa halip na karahasan.

 

Ito ang iginiit ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada sa gitna ng pagsasagawa ng air strike ng Estados Unidos sa nuclear sites ng Iran.

 

Ayon kay Estrada, suportado nya ang mga panawagan na magkaroon ng bukas na komunikasyon at pagpigil sa armadong labanan sa pagitan ng Israel at Iran

 

Iginiit ng senador  na malayo man ang kaguluhang ito sa Pilipinas, hindi  maiwasang mag-alala sa lumalalang sitwasyon at tensyon lalo na’t hindi na mabilang ang mga inosenteng sibilyan na naapektuhan.

 

Kabilang na sa mga apektado ang mga Pilipino na naninirahan at nagtatrabaho sa Gitnang Silangan.

 

Hinimok ni Estrada ang Department of Foreign Affairs at iba pang kinauukulang ahensya ng pamahalaan na patuloy na tiyakin  na handa sila para  protektahan ang mga Pinoy na  naiipit sa sagupaan at handang pagkalooban sila ng kinakailangang tulong.

 

Nananalangin din ang senador para sa kaligtasan at kapakanan ng  lahat ng sibilyan lalo na sa ating mga kababayan na apektado ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Israel at Iran.

About The Author