Iminungkahi ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno na magsumite ng full disclosure ang lahat ng kasapi ng House Infrastructure Committee.
Sa kanyang manifestation, sinabi ni Diokno na mahalaga ang disclosure upang matiyak na ang mga nag-iimbestiga sa maanomalyang flood control projects ay walang business o financial interest na posibleng magdulot ng conflict of interest.
Matapos ang mahabang diskusyon, nagpasya ang komite na magsumite ng written disclosure bilang patunay na wala silang conflict of interest.
Bago pa man magdebate, tumutol si Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima sa imbestigasyon dahil pa rin sa isyu ng conflict of interest.
Samantala, matapos hindi dumalo ang limang construction company sa patawag ng Infra Comm, nag-isyu ito ng subpoena. Kabilang sa mga ipinatawag ay ang:
- Royal Crown Monarch Construction & Supplies Corporation
- SYSM Construction Building (na nasasangkot sa ghost project sa Bulacan)
- Alpha and Omega General Contractor and Development Corporation
- St. Timothy Construction Corporation
- Wawao Builders