Inaprubahan ng Dicastery for the Causes of Saints ang pagsasagawa ng Diocese of Laoag ng pagsisiyasat upang tukuyin kung karapat-dapat maging santo ang Pilipinang si Niña Ruiz-Abad na pumanaw noong 1993 sa edad na labintatlo.
Si Abad ay tubong Sarrat, Ilocos Norte, at itinangi na may malalim na debosyon sa banal na Eukaristiya, at inilaan ang kaniyang buhay sa pagbabahagi ng mga rosary, bibliya, at iba pa.
Ang kaniyang hindi matatawarang pananampalataya ay nagsilbing inspirasyon sa kaniyang kababayan sa Ilocos Norte, maging sa kaniyang kapitbahay at kamag-aral sa Quezon City.
Inihayag din ni Bishop Renato Mayugba ang pormal na pagsisimula ng unang sesyon ng pagsisiyasat upang alamin ang dahilan kung karapat-dapat hiranging bilang santo si Abad.