dzme1530.ph

Dinner meeting ng mga senador sa Malacañang, light and casual lang

Inilarawan ni Sen. Grace Poe na very light and casual ang kanilang dinner kagabi sa Malacañang kasama sina Pangulong Bongbong Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos.

Sinabi ni Poe na walang anumang hiniling ang Pangulo sa bagong liderato ng Senado.

Maging si Senate President Chiz Escudero at senate president pro tempore Jinggoy Estrada ay nagsabi na walang napag usapan ukol sa mga priority bills at hindi rin natalakay ang ukol sa imbestigasyon ng senado sa PDEA leaks

Sa hanay ng mga senador present din sa dinner sina Senators Francis Tolentino, Robin Padilla, Alan Peter Cayetano, Raffy Tulfo, Cynthia Villar, Mark Villar, Pia Cayetano, Loren Legarda, Sherwin Gatchalian habang humabol si Senador Imee Marcos.

Nasa dinner meeting din ang mga asawa ng mga senador kabilang sina dating Senate President Manny Villar, Heart Evangelista, Cong. Lani Mercado-Revilla, Cong. Jocelyn Tulfo at Kath Pimentel.

Sinabi ni Escudero matagal na ang imbitasyon ng Malacañang para sa dinner kagabi na ipinadala sa bawat senador.

About The Author