dzme1530.ph

DILG SEC. JONVIC REMULLA AT CHINESE AMBASSADOR JING QUAN, NAG-FACE TO FACE PARA SA BILATERAL RELATIONS NG DALAWANG BANSA

Loading

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nagkaroon sila ng pulong ni Chinese Ambassador to the Philippines Jing Quan. 

 

Ayon kay Remulla, sumentro sa pag-uusap nila ng ambassador ang pagresolba sa tensyon sa pagitan ng China at Pilipinas. 

 

Gayunman, nilinaw ng kalihim na hindi nila tinatalakay ang territorial issues sa pulong. 

 

Pinag-usapan anya nila ang mga paraan upang mapalakas ang bilateral relations ng dalawang bansa. 

 

Sa Facebook post naman ng Chinese Embassy, kinumpirmang napag-usapan ng dalawang opisyal ang pagpapalakas ng law enforcement cooperation at pagbabantay sa safety at legitimate rights at interest ng mga Chinese sa bansa.

About The Author