dzme1530.ph

DILG Sec. Abalos, nanindigang walang bawas ang nakumpiskang shabu sa Batangas

Nanindigan si DILG Benjamin C. Abalos, Jr. na hindi nabawasan ang nasabat na mahigit isang toneladang shabu sa Alitagtag, Batangas kamakailan.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni Abalos na intact at walang anomalya sa naging imbentaryo ng droga.

Ipinakita pa ni Abalos ang video footage ng checkpoint operation kung saan naaresto ang suspect na si Ajalon Michael Zarate na siya pa mismong nagbukas ng sasakyan.

Kuntento at naniniwala naman ang chairman ng kumite na si Sen. Ronald Dela Rosa sa paliwanag ni Abalos.

Sinabi ni Dela Rosa na posibleng overjoy lang ang mga awtoridad sa mala-hulog ng langit na accomplishment kaya naoverestimate ang dami ng droga.

Matatandaang nagkaroon ng pagdududa sa nasabat na droga dahil sa unang anunsyo ay nasa dalawang tonelada ito subalit kinalaunan ay itinama at sinabing mahigit isang tonelada lamang ang nasabat na droga.

About The Author