Naglabas ng memorandum circular ang Department of the Interior and Local Government na nag aatas sa mga lokal na pamahalaan, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection na tiyakin na magkakaroon ng ligtas na paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Mula sa nasabing memo, inatasan nito na pulungin ang mga Local Peace and Order Council ng mga lokal na pamahalaan, maging ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Council.
Layon nito na makapaglatag ng contingency measures partikular na ang pagbibigay ng sapat, maasahan at ligtas na transportasyon, emergency medical services at iba pa, sa publiko.
Pinasisiguro rin ng DILG na dapat imobilize ng mga LGU ang kanilang law at traffic enforcer, medical personnel at iba pang force multiplier sa mga critical areas gaya ng national at local road, crime prone areas, transport hubs, mga simbahan, tourist destinations at iba pang pampublikong lugar.