dzme1530.ph

DILG may hawak ng video ng pagdukot at forced confession ng mga nawawalang sabungero

Loading

Lalo pang magkakalinaw ang kaso ng mga nawawalang sabungero kung mapapatunayang sa tao, at mula sa mga biktima, ang mga butong natagpuan sa Taal Lake.

Ayon kay DILG Sec. Jonvic Remulla, dito mag tatagpi tagpi ang mga rebelasyon at pahayag ni Julie Patidongan alyas Totoy, kung mapatutunayang ang mga buto ay mula sa mga biktima.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Forensic Group, anim sa 91 butong narekober ay pinaniniwalaang buto ng tao, dahil may indikasyon ito ng hugis ng balakang.

Dagdag ni Remulla, may hawak na silang ebidensiya gaya ng video ng pagdukot at forced confession sa mga biktima.

Kapag lumabas na ang resulta ng cross-matching ng PNP Forensic Group at nag-positibo ito sa mga sabungero, palapit na sila sa konklusyon ng kaso.

Sakaling makumpleto ng DOJ ang mga ebidensiya, si Remulla at PNP Chief Gen. Nicolas Torre III mismo ang aaresto sa mga sangkot, opisyal man ng gobyerno o pribadong indibidwal.

About The Author