dzme1530.ph

DILG, ini-rekomenda na ang pagsailalim sa state of calamity sa Metro Manila

Ini-rekomenda na ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t ang pagde-deklara ng state of calamity sa Metro Manila sa harap ng matinding pag-ulan at kabi-kabilang pagbaha bunsod ng bagyong Carina at pinaigting na Southwest Monsoon o Hanging Habagat.

Sa situation briefing sa NDRRMC headquarters sa Camp Aguinaldo Quezon City, ini-rekomenda ni DILG Sec. Benhur Abalos mismo kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang state of calamity, dahil halos lahat ng lungsod at munisipalidad sa NCR ay nakaranas na ng pagbaha.

Partikular na tinukoy ni Abalos ang low-lying areas tulad ng Malabon kung saan 80% nito ay baha na, 70% ang baha na sa Navotas, at 60% sa Valenzuela.

Kritikal na rin ang pagtaas ng tubig sa Tullahan river, habang inabisuhan na rin ni Abalos si Marikina Mayor Marcy Teodoro na magpatupad ng forced evacuation dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa Marikina river.

Sa ngayon ay wala pang pasiya ang Pangulo sa rekomendasyon at hahayaan niya munang mag-convene ang Metro Manila Council na binubuo ng Metro Manila mayors.

About The Author