Inabisuhan na ng Dep’t of the Interior and Local Gov’t ang mga lokal na pamahalaan na inaasahang lubhang maaapektuhan ng bagyong Nika, na mag-suspinde na ng klase.
Sa advisory no. 03 na may lagda ni DILG Usec. for Local Gov’t Marlo Iringan, pinayuhan ang mga LGU na makipag-ugnayan sa Dep’t of Education upang matiyak na maipararating sa mga paaralan at mga magulang ang suspensyon ng klase.
Sinabi ng DILG na mahalaga ang hakbang upang maiiwas ang publiko sa epekto ng bagyo at matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad.
Samantala, inatasan na rin ang lahat ng DILG Regional directors na ipakalat ang nasabing advisory sa kanilang nasasakupan at bantayan ang kanilang pagsunod.
Dahil sa bagyong Nika ay nakataas na ang Tropical Cyclone Wind Signal mula Northern hanggang Southern Luzon kabilang na sa Metro Manila. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News