dzme1530.ph

DILG, hinimok ang mga LGU sa NCR na bumuo ng Solid Waste Management Plan

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na bumuo ng plano upang tugunan ang tumataas na volume ng basura.

Sa pamamagitan ng Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation and Preservation – Program Management Team, binalangkas at inupdate ng DILG-NCR ang Solid Waste Management Plan (SWMP) at Barangay Ecological Solid Waste Management Program na mandato sa ilalim ng Republic Act 9003.

Binigyang-diin ni DILG-NCR Assistant Regional Director Ana Lyn Baltazar-Cortez na mahalaga ang pagbibigay ng kagamitan sa mga LGU, partikular ang mga barangay, na may kaalaman at skills sa pagbuo ng disaster proof-communities.

Kasabay nito, iginiit ni Cortez ang agarang pagpapatupad ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management of the Philippines, na nagmamandato sa mga lokal na pamahalaan na bumuo ng 10-year SWMP dahil sa dumaraming bilang ng mga basura sa Metro Manila. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author