dzme1530.ph

DILG, hinimok ang mga LGU na magpatupad ng pre-emptive evacuation sa mga baybayin

Loading

Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit na agad na ilikas sa ligtas na lugar ang mga residenteng nasa baybayin.

Kasunod ito ng magnitude 8.7 na lindol na tumama sa East Coast ng Kamchatka, Russia kaninang umaga.

Nagbabala ang PHIVOLCS ng tsunami wave na less than one meter na maaaring maramdaman ngayong hapon sa 22 lalawigan sa bansa.

Kabilang sa mga lugar na nasa tsunami alert ang Batanes Group of Islands, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte at Sur, Albay, Sorsogon, Catanduanes, Northern at Eastern Samar, Leyte, Southern Leyte, Dinagat Islands, Surigao del Norte at Sur, Davao del Norte at Sur, Davao Oriental, Occidental at Davao de Oro.

Inatasan din ng DILG ang mga LGU sa mga nabanggit na lugar na i-activate ang kanilang emergency operations centers at incident management teams.

Pinagagawa rin ang mga LGU ng evacuation routes, directional signs, at pagtukoy sa mga safe zones para sa mga komunidad na posibleng tamaan ng tsunami.

About The Author