dzme1530.ph

DILG: Disiplina at tamang waste management, susi sa iwas-baha

Loading

Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na kumilos, kasunod ng naranasang malawakang pagbaha sa urban areas.

Binigyang-diin ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang kahalagahan ng mahigpit na pagpapatupad ng waste management ordinances at pagsusulong ng disiplina sa mga komunidad.

Ayon kay Remulla, may hazard map ang bawat LGU, kaya’t alam na kung saang mga lugar posibleng magkaroon ng landslide o pagbaha, kaya naman maituturing itong predictable.

Binigyang-diin ng kalihim sa post-State of the Nation Address (SONA) session na ang hindi kailanman ganap na mapaghahandaan ay ang gawi o asal ng tao.

Aniya, kaya namang mapaghandaan ang mga pinsalang dulot ng kalamidad basta’t mabigyan ng sapat na kaalaman at kamalayan ang mga Pilipino tungkol sa tamang disiplina at wastong pangangalaga sa kapaligiran.

About The Author