![]()
Binatikos ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang ilang miyembro ng Sangguniang Kabataan (SK) Federation ng Maynila na nag-post sa social media ng kanilang biyahe sa Thailand na pinondohan ng gobyerno.
Ayon kay Remulla, ikinagulat niya ang kabastusan ng SK officials sa hayagang pagyayabang ng kanilang pagsasaya, na aniya’y nakainsulto at tila pagpapakita lamang ng pagbibida.
Batay sa ulat, batch-by-batch ang pagdalo ng 667 SK leaders mula Maynila sa tatlong araw na training at seminar sa Bangkok ngayong Setyembre na nakatuon sa HIV prevention.
Paliwanag ni Councilor Juliana Ibay, pangulo ng Manila SK Federation, ang biyahe ay pinondohan mula sa SK funds na may tig-₱33,900 budget bawat kalahok. Tumanggap din umano ang mga opisyal ng tig-₱6,000 subsistence allowance alinsunod sa government guidelines.
