Humirit si Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla na mabigyan siya ng kapangyarihan na magdeklara ng maagang class suspension, tuwing may bagyo.
Nilinaw naman ng kalihim na hindi pa ibinibigay sa kanya ang kapangyarihan, subalit kanya itong hinihiling.
Naniniwala si Remulla, na dating gobernador ng Cavite, na ang kanyang hands-on experience sa local governance, lalo na sa disaster preparedness, ay bentahe upang maging epektibong decision-maker, kapag masama ang panahon.
Binigyang diin din ni Remulla na mas madali ang koordinasyon kung galing sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pag-suspinde ng mga klase.
Sa ngayon kasi ay nasa ilalim ng Local Chief Executives at ng Department of Education ang kapangyarihang magsuspinde ng klase, depende sa sitwasyon at lokasyon.