Muling iginiit ni Sen. Win Gatchalian ang pangangailangan para sa digital transformation ng sektor ng edukasyon sa gitna ng patuloy na pagpapatupad ng blended learning dahil sa matinding init.
Inihain ng senador ang Proposed Digital Transformation of Basic Education Act o Senate Bill No. 383.
Kailangan aniyang paghandaan ang posibleng mas mainit na panahon sa mga susunod na taon lalo na at patuloy ang climate change at global warming.
Bukod sa pagpapabilis ng installation at activation ng libreng public wi-fi sa lahat ng mga pampublikong paaralan, imamandato ng naturang panukala sa department of education na paigtingin ang kahandaan ng mga paaralan sa information and communications technology upang magpatupad ng distance learning.
Nakasaad din sa nasabing panukala na imamandato sa Department of Science and Technology ang pagtulong sa DepEd at Department of Information and Communications Technology sa pagsulong sa agham, teknolohiya, at innovation.