Inihiyag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si “digital person” o si Marco Valbuena na lang ang natitira sa pamunuan ng Communist Party of the Philippines (CPP), na nagmamando sa teroristang organisasyon.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, kasabay ng pagsabi na si “Marco Valbuena” ay isang “fictitious person” na nagkakalat ng kasinungalingan para panatilihing buo ang kilusang komunista, malinaw din anila na may malaking problema ang CPP sa sunod-sunod na pagkalagas ng kanilang liderato.
Bukod aniya sa pagkamatay ng mag-asawang Tiamzon noong Agosto, at ang pagka-aresto sa Malaysia ng isa pang Central Committee member kamakailan, ang pinakamalaking dagok sa kilusang komunista ay ang pagkawala ng kanilang “ideological leader” sa pagpanaw ni CPP founding Chair Jose Maria Sison noong Disyembre.
Dahil aniya “leaderless” na ang CPP, at wala na itong direksyon at wala nang dahilan para magpatuloy. —sa ulat ni Jay De Castro