![]()
Ikinukunsidera ng Department of Social Welfare and Development ang pagsasagawa ng digital payouts para sa second tranche ng cash relief assistance sa mga driver ng public utility vehicles.
Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na manual ang payout ng unang round ng ayuda dahil kailangan nilang beripikahin na totoong tao ang mga benepisyaryo.
Maituturing aniya itong “know your customer” phase upang matiyak na walang iregularidad sa payouts.
Kaugnay nito ay magsasagawa ang DSWD ng virtual financial service providers summit ngayong araw na ito bilang bahagi ng paglipat sa digital disbursement.
Sinabi naman ni DSWD Assistant Secretary Johannes Paulus Acuña, chief information officer, na sa pamamagitan ng digital system ay mababawasan ang administrative at operational cost sa distribusyon ng ayuda.
